Pag-masaker sa 9 na manggagawa sa Negros Occidental kagagawan ng CPP/NPA – Malakanyang

Tahasang itinuturo ng Malakanyang na ang Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagmasaker sa siyam na manggagawa sa hacienda sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa report na nakarating sa Malakanyang ang CPP-NPA ang may banta na sa grupo ng mga biktima.

“Lumalabas sa imbestigasyon ay mga grupo ng CPP-NPA sapagka’t iyong mga biktima at saka iyong mga nandoon, nakilala nila iyong mga ibang naroroon sa … iyong gumawa ng pag-massacre. Pangalawa, tila sila ay mayroong threat doon sa grupong iyon. Whatever the reasons may be, ang nakikita sa imbestigasyon ay iyong CPP-NPA ang nasa likod ng massacre,” ayon kay Panelo.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na dahil sa naturang insidente, maaring maapektuhan ang alok ng gobyerno na usaping pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Ayon kay Panelo, dapat nang baguhin ang taktika ng komunistang grupo at subukang magbalik-loob na sa pamahalaan sa halip na ipagpatuloy ang armadong pakikibaka.

Limampung taon na aniyang nakikipaglaban ang komunistang grupo sa pamahalaan subalit hanggang ngayon, hindi pa rin nagwawagi ang kanilang hanay.

Read more...