US Defense Secretary, dumalaw sa aircraft carrier na nasa South China Sea

 

USS_Theodore_Roosevelt
Mula sa wikipedia

Binisita ni US Defense Secretary Ash Carter ang mga tropa ng mga Amerikanong nakabase sa USS Theodore Roosevelt na nasa South China Sea.

Ang hakbang na ito ni Carter ay mistulang pang-aasar pa rin sa China na inaangkin ang halos buong South China Sea na nagpapaigting ng tensyon sa naturang rehiyon.

Sa kanyang pagbisita, muling iginiit ni Carter na lumalabis ang China sa patuloy nitong pagpupumilit na saklaw nila ang kabuuan ng South China Sea.

Ayon kay Carter mananatili ang presensya ng US sa rehiyon bilang suporta sa iba pang mga bansa na naapektuhan ng malawakang pag-angkin ng China sa South China sea sa ilalim ng kanilang 9-dash line concept.

Simbolo rin aniya ng kanyang pagbisita sa lugar ang hangarin ng Amerika na ibaling ang atensyon sa Asya-Pasipiko matapos ang pagtutok ng atensyon sa Middle East.

Nakasama ni Carter sa kanyang pagbisita sa USS Theodore Roosevelt si Malaysian Defense Minister Hishamuddin Hussein ng Malaysia.

Bago ang pagbisita sa naturang aircraft carrier, galling si Carter sa Malaysia para sa dalawang araw na Asian Defense Ministers dialogue.

Read more...