PNP may person of interest na sa pagpatay sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental

CTTO

May person of interest na ang pulisya sa pagpatay sa siyam na manggagawa sa tubuhan sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Sagay police chief C/Insp. Roberto Mansueto isang dating magsasaka din ang itinuturing nila ngayong person of interest sa kaso.

Ang mga kapitbahay at dalawang menor de edad na nakaligtas sa insidente ang tumukoy sa pagkakakilanlan ng naturang suspek.

Sinabi ni Mansueto na maaaring away sa lupain ang motibo sa pagpatay.

Nabatid kasi na inokupahan ng mga biktima na pawang miyembro ng National Federation of Sugar Workers ang pribadong lupain sa Hacienda Nene.

Ani Mansueto, aalamin nila sa Department of Agrarian Reform ang totoong estado nbg naturang lupain.

Read more...