Inaantabayanan ang ilalabas na resolusyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 hinggil sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Maagang dumating sa court room ng Branch 148 ang mga tauhan ng PNP-CIDG ngayong umaga.
Mamaya namang alas 11:00 ng umaga, nagpatawag ng press conference sa Senado si Trillanes.
Una nang sinabi ng Clerk of Court ng Makati RTC Branch 148 na posibleng ngayong araw ilabas ang resolusyon.
Noong Biyernes kasi ay tinapos na ni Judge Andres Soriano ang hukom na may hawak sa kasong kudeta ni Trillanes ang pag-aaral sa lahat ng mga naisumiteng ebidensya para matapos na ang resolusyon.
MOST READ
LATEST STORIES