Pinagsamantalahan ang biktimang itinago na lang sa pangalang “Jamie” ng kaniyang 23-anyos na dating kasintahan na si John Elmark Francisco dakong alas 8:00 ng gabi noong November 1, at ng kaibigan nilang si Jefferson Zuniga, 21-anyos makalipas ang dalawang oras.
Ayon kay SPO2 Lorena Hernandez, hepe ng women and children’s desk ng Valenzuela City police, naganap ang umano’y pang-aabuso kay Jamie sa tahanan ni Francisco sa Malinis St., Lawang Bato kung saan nag-iinuman ang dalawa kasama ang iba pa nilang kaibigan.
Bago ito nangyari, inireport na ng kaniyang pamilya na nawawala si Janine noon pang October 31.
Noong Miyerkules inaresto sina Francisco at Zuniga, na parehong nakakulong pa rin hanggang ngayon matapos isailalim sa inquest proceedings.
Itinanggi naman ng dalawang suspek ang akusasyon.
Ani Hernandez, napag-alaman ng ina ni Jamie ang nangyari sa anak ng matagpuan itong nagpapalakad-lakad sa Brgy. Punturin ng Valenzuela noong November 2, kaya agad silang pumunta sa pulisya upang maghain ng reklamo.
Sinabi rin ng biktima na may tatlong iba pang lalaki ang nanggahasa sa kaniya noong October 28 at June 28 sa bahay rin nina Francisco ngunit hindi niya makilala ang mga ito.
Lima na ang naitalang reklamo ng rape sa Valenzuela City nitong linggo lamang, at isa sa mga biktima ay isang 13-anyos na batang inabuso umano ng nakatatandang kaibigan.