PUBLIC SERVICE: Scheduled power at water interruption ngayong araw, Oct. 22

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Paranaque City.

Sa abiso ng Maynilad, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ang water service interruption sa Barangay Merville at Moonwalk.

Samantala, may scheduled power interruption naman ang Meralco sa dalawang barangay sa Valenzuela City.

Mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mamaya ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Barangay Karuhatan at Malinta.

Ito ay bunsod ng gagawing paglilipat ng pasilidad ng Meralco sa mga posteng maaapektuhan ng konstruksyon ng Manila North Tollways Corporation sa North Luzon Expressway segment 10.

Read more...