6 sugatan sa pamamaril sa labas ng Florida stadium

Anim ang nasugatan sa insidente ng pamamaril na naganap sa Jacksonville Florida.

Nangyari ang pamamaril malapit lamang sa Florida stadium kung bago pa magsimula ang laban ng NFL Houston Texans laban sa Jacksonville Jaguars.

Ayon kay Ron Lendvay, director of investigations ng Jacksonville Sheriff’s Office, sunud-sunod na putok ng baril ang nadinig sa labas ng stadium.

Kabilang sa nasugatan ang isang babae at limang lalaki, tatlo sa kanila ay kritikal ang kondisyon.

Ayon sa mga otoridad maaring gang related ang pamamaril, pero patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...