Kilos protesta ikinasa ng iba’t ibang grupo kaugnay sa pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay City

Nagkasa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo kasunod ng pag-masaker sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ang mga miyembro ng Kabataan Partylist magsasagawa ng protesta sa Department of National Defense, alas 9:00 ng umaga ngayong araw.

Ayon sa grupo, dapat ay mabigyang hustisya ang sinapit ng mga manggagawang bukid.

Naniniwala ang mga militanteng grupo na ang anila’y  “red tagging” sa mga magsasaka ang dahilan ng pagpatay sa mga biktima.

Read more...