Kabilang ang isang sundalo at isang barangay captain sa tatlong naaresto ng mga otoridad matapos magkasa ng drug buy bust operation sa Lupon, Davao Oriental.
Nakilala ang mga suspek na sina Barangay Macangao captain Erwin Barabag, Private First Class Rhean Baligwat, at Em-Em Wenceslao.
Nabatid na kabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte si Barabag.
Narekober mula sa nabanggit na suspek ang isang kalibre 45 baril na kargado ng mga bala at tatlong sachet ng shabu.
Nakuhanan naman si Baligwat ng isang fragmentation grenade, tatlong kalibre 45 baril, at isang 9mm na baril.
Samantala, nasabat mula kay Wenceslao ang apat na sache ng hinihinalang shabu.
Mahaharap ang tatlong mga suspek sa magkapaton na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunition.