Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa lokal na pamahalaan ng El Nido, Palawan na solusyonan ang mga environmental issues na kinahaharap ng isla.
Ayon kay Environment Sec. Bernadette Romulo-Puyat, sumulat na siya sa El Nido local government dahil sa dami ng basura at problema sa easement sa naturang tourist destination.
Ikinalulungkot ng kalihim ang hindi mahigpit na pagpapatupad ng mga existing ordinances para sa turismo at kalikasan kabilang ang pagbabawal sa paggamit ng plastic.
Giit ng opisyal, wala anyang silbi ang mga batas na ito kung hindi naman naipatutupad.
Hinikayat ni Puyat ang mga opisyal na huwag nang hintayin na magaya pa ang El Nido sa Boracay na kailangang isara para sa irehabilitasyon.
Sakali anya na hindi sumagot ang El Nido officials sa kanyang sulat ay muli siyang susulat sa mga ito.
At kung hindi pa rin sumagot ay personal na anya siyang makikipag-ugnayan kay Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año para ito na ang makipag-usap sa mga opisyal.