42 bagong air conditioning units ng MRT 3 dumating na

DOTr

Inaasahang mas magiging komportable na ang pagsakay ng publiko sa MRT 3.

Ito ay matapos ang pagdating ng unang batch ng air conditioning units (ACU) na binili ng gobyerno para sa naturang mass transit.

Dumating na ang 42 units ng aircon na ilalagay sa bawat tren habang ang natitirang 36 ay inaasahang darating bago matapos ang taon.

Ayon sa DOTr, magiging mas malamig na ang temperatura sa loob ng mga bagon.

Ngayong linggo ay sisimulan na ang installation ng ACUs sa mga tren.

Ang 78 ACUs na ito ay nagkakahalaga ng P116.5 milyon at bahagi ng rehabilitasyon ng MRT.

Read more...