Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañan ang pananambang sa convoy ni Food and Drug Administrator (FDA) Director General Nela Charade Puno sa Camarines Sur noong nakaraang linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may ginagawa nang imbestigasyon ang mga otoridad at tiyak na mananagot sa batas ang mga responsible sa pananambang.
Tatlong pulis ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng armadong lalaki ang convoy ni Puno.
Ayon kay Panelo, nakikiramay din ang Palasyo sa pamilya ng tatlong pulis na nasawi sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES