Welcome sa Palasyo ng Malacañan ang panibagong survey ng Social weather Stations (SWS) kung saan tumaas ang net satisfaction rating ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte noong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patuloy na pagsusumikapan ng administrasyon na tugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino.
Base sa SWS survey, nasa +32 ang net satisfaction ratings ng gabinete ng pangulo kumpara sa +25 na naitala noong Hunyo.
“We welcome the results of the survey administered by the Social Weather Stations (SWS) in September 2018 which showed that the net satisfaction rating of President Rodrigo Roa Duterte’s Cabinet rising from +25 in June 2018 to +32 in September 2018,” ani Panelo.
Ibinida pa ng Palasyo ang mataas na satisfaction ratings lalo na’t ginawa ang survey noong Setyembre na kasagsagan ng inflation na 6.7%.
Patunay aniya ito na kinikilala ng taumbayan ang mga pagsusumikap ng administrasyon para pakalmahin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Pilipino.
“Since the survey was conducted during the month of September when inflation was at 6.7%, the findings tell us that our people, indeed, recognize and appreciate the efforts of the Administration in stabilizing the prices of basic commodities and bringing a comfortable and dignified life for all,” dagdag pa ni Panelo.