Boracay reopening, “all systems go” na

“All systems go” na ang muling pagbubukas ng isla ng Boracay sa Oktubre 26 o kalahating taon matapos itong isara sa mga turista.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi na cesspool o madumi ang Boracay dahil malinis na ang tubig nito.

Gayunman, sinabi ng kagawaran na ipagbabawal na ang water activities katulad ng paraw sailing, island hopping at jet-skiing habang dahil hindi pa tapos ang pag-aaral sa marine biodiversity ng isla.

Ipagbabawal na rin ang pagdaraos ng mga party at mga istruktura sa harap ng dagat.

Patuloy din ang monitoring ng gobyerno sa kalidad ng tubig sa Boracay gayundin ang pagpapalapad ng mga kalye na inaasahang matatapos bago magtapos ang taon.

Ang isla ng Boracay ang itinuturing na isa sa mga pangunahing destinasyon sa bansa.

Read more...