Malakanyang, kumpiyansang mapapawalang-bisa ang amnestiya ni Trillanes

Kuha ni Jan Escosio

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na malakas ang kaso ng gobyerno para mapawalang-bisa ang amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa gitna ito ng pahayag ni Makati Regional Trial Court Branch 148 judge Andres Soranio na nasa final stage na ang kanilang hanay para desisyunan ang amnestiya ni Trillanes dahil sa paglulunsad ng kudeta laban sa gobyerno may ilang taon na ang nakararaan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na malinaw kasi na hindi nag comply si Trillanes sa aplikasyon ng amnestiya.

Sinabi pa ni Panelo na malakas ang ebidensya ng gobyerno habang mahinang klaseng ebidensya naman ang nailatag ni Trillanes.

Sa ngayon aniya, mas makabubuting hayaan na muna ang korte na magpasya kung maglalabas o hindi ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

Read more...