Oil joint exploration ng Pilipinas at Israeli firm sa Palawan, sisimulan sa 2019

Sa susunod na taon na magsisimula ang oil joint exploration ng Pilipinas at Israeli firm sa Palawan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na magiging 60-40 ang hatian. Ibig-sabihin, 60 percent ang share ng Pilipinas habang 40 percent naman ang mapupunta sa Israel-ratio petroleum company.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung anong buwan sa susunod na taon magsisimula ang joint exploration.

Umaasa si Panelo na dahil sa joint exploration, makakukuha ng langis ang Pilipinas at hindi na aasa sa suplay sa Middle East country at iba pang bansa.

Sa ilalim ng kontrata, pitong taon na gagawin ang exploration sa 416,000 ektaryang lupa sa Palawan.

Read more...