Ito ang sinabi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), araw ng Linggo.
Ginawa ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay ang pahayag matapos i-anunisyo ng labor group na babaguhin nila ang kanilang P320 petition wage patungo sa P344.
Ayon kay Tanjusay, may opsyon ang mga kumpanya na maghain ng “exemption” kung talagang hindi nila kaya na ibigay ang naturang umento sa suweldo.
Ang rebisyon ng wage hike petition sa P344 ay ginawa ng grupo ng mga obrero matapos pumalo sa 6.2 percent ang inflation sa ikatlong kwarter ng taon.
Paliwang ni Tanjusay, ang P320 hike petition na kanilang isinumite noong Hunyo ay nagpapakita sa kondisyon noon ng ekonomiya sa unang kwarter ng taon.
Aniya, kaya nila ito binago dahil nitong Setyembre ay mas lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.