GABRIELA, kinondena ang pagpaslang sa 9 na miyembro ng labor union sa Negros Occidental

Mariing kinondena ng grupong GABRIELA ang pananambang sa siyam na miyembro ng isang labor union sa Sagay City, Bacolod.

Kabilang sa mga nasawi ang apat na kababaihan at dalawang menor de edad.

Inatake ng mga hindi pa nakikilang grupo ng mga armadong lalaki ang tinutuluyan nito sa bahagi ng Hacienda Nene sa Purok Fire Tree, Barangay Bulanon sa Negros Occidental.

Kasapi ang mga ito sa National Federation of Sugar Workers na naglulunsad ng bungkalan sa naturang hacienda.

Sa inilabas na pahayag ng grupo, ito anila ay bahagi ng protesta para tutulan ang umano’y pagpapabaya sa estado at pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Dahil dito, nanawagan ang grupo ng agarang imbestigasyon para managot ang utak sa krimen.

Hustisya rin ang hiling ng grupo sa mga biktima ng pag-atake.

Read more...