Kinumpirma ni US President Donald Trump ang planong pagkalas ng Estados Unidos sa nuclear weapon treaty sa Russia.
Ayon kay Trump, sumunod ang Amerika sa naturang nuclear deal ngunit lumabag naman ang Russia sa panuntunan ng kasunduan sa loob ng ilang taon.
Dahil dito, napagdesisyunan na ang pagkalas ng Amerika sa nuclear agreement kasama ang Russia.
Dagdag pa ng pangulo, hindi niya alam kung bakit hinayaan ni dating US President Barack Obama na lumabag ang Russia sa kasunduan.
Matatandang pinirmahan ni dating US President Ronald Reagan ang tatlong dekadang Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty o INF noong 1987.
MOST READ
LATEST STORIES