Publiko, hinikayat ni Albayalde na i-report ang mga pulis na natutulog sa duty

Hinikayat ang publiko ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na i-report ang sinumang mahuling pulis na natutulog sa gitna ng duty.

Sa isang panayam, humingi ng tulong si Albayalde sa publiko para maresolba ang naturang problema.

Kunin lang aniya ang pangalan at ipagbigay-alam agad sa kanilang opisina.

Matatandaang nahuli ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang hindi bababa sa 14 na pulis na natutulog sa loob ng patrol vehicles sa gitna ng duty sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

Sinabi pa ni PNP-IAS Insp. Gen. Alfegar Triambulo na patuloy silang nakatatanggap ng ulat mula sa mga sibilyan ukol dito.

Read more...