Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw

Photo grab from PAGASA website

Inaasahang makararanas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region, araw ng Linggo.

Batay sa 4AM weather advisory ng PAGASA, ito ay bunsod ng northeasterly surface windflow.

Maaapektuhan din ng maulap at bahagyang pag-uulan ang bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Regions.

Sinabi pa ng weather bureau na magiging malakas din ang hangin sa Hilaga at Silangang bahagi ng Luzon.

Samantala, magiging maulap naman may kasamang islated rainshowers sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...