Nagkasa ng protesta ang mga kaanak ng mga biktimang namatay sa pagsagasa ng isang tren sa Amritsar, India.
Ayon kay Amritsar chief medical officer Hardeep Singh, 59 katao ang kumpirmadong nasawi habang 90 naman ang nasugatan makaraang mabangga ng Jalandhar-Amritsar express train na may bilis na 90 kilometers per hour.
Pito sa mga sugatan ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Nanonood lang ang mga biktima ng fireworks sa isang Hindu festival nang mangyari ang aksidente.
Sigaw ng mga naiwang pamilya ng mga biktima ay ang mas pinaigting na safety reforms sa railway system sa naturang bansa.
Nais din ng mga ito na gumawa ng agarang aksyon ang mga lokal na opisyal at train driver matapos ang aksidente.
Marami naman sa mga biktima ay hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan at sinabi ng pulisya na posibleng matagalan ang pagkumpleto dito.
Sa ngayon, sinabi ni Singh na nasa 25 bangkay na ang nakilala sa ngayon.