Trailer truck bumangga sa center island sa Parañaque City

Nakaranas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista sa bahagi ng northbound lane ng Roxas Boulevard sa Baclaran, Parañaque City.

Ito ay matapos bumalagbag sa buong kalsada ng northbound lane ang isang trailer truck, Linggo ng madaling-araw.

Nakasampa ang harapang bahagi ng truck sa center island sa lugar habang nakaharang naman sa kalsada ang likurang bahagi nito kung saan nakasampa ang container van.

Hindi pa batid ang rason sa likod ng pagbangga ng truck sa center island ngunit mayroong posibilidad na dahil ito ng madulas na kalsada dulot ng mahinang pag-ulan sa lugar.

Read more...