Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng madaling-araw.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 185 kilometers Southeast ng Sarangani.

Niyanig ang naturang lugar bandang 2:51 ng madaling-araw.

May lalim itong 47 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat sa nasira sa mga ari-arian sa lugar.

Inaasahan naman ang posibleng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...