Ito ay kung gugustuhin ng pangulo na muling mag-usap ang pamahalaan at ang komunistang grupo.
Sinabi ni Sison na kahit anong oras ay nakahanda ang National Democratic Front para sa pagpapatuloy ng peace talk.
Reaksyon ito ng lider-komunista sa naging pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananawagan sa mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.
Sinabi ng pangulo na bukod sa pabahay ay magbibigay rin siya ng hanap-buhay sa mga NPA members na susuko sa pamahalaan.
Nauna dito ay binatikos ni Sison ang ginagawang panliligaw ng pangulo sa mga NPA members na bahagi lang umano ng kanyang psychological warfare.
Magugunita na natigil ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA dahil sa patuloy na pangingikil ng mga rebelde ng revolutionary tax at paglusob sa ilang mga vital installations ng pamahalaan.