Base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations sa ikatlong quarter ng taon tumaas pa sa “good” ang public satisfation rating ng House of Representatives, Supreme Court at sa Cabinet level.
Sa survey na ginawa mula September 15 hanggang 23, hindi naman nabago ang “good” satisfaction rating ng Senado na umabot sa 62% habang 14% ang hindi kuntento at 23% naman ang hindi makapagpasya.
Umangat naman sa 11-12 points ang satisfaction ratings ng House of Representatives (+36) at ng Supreme Court (+31) o mula sa “moderate” patungo sa “good.”
Anim na puntos naman ang itinaas ng Cabinet o mula sa +25 noong Hunyo tungo sa +32 noong Setyembre.
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa.