Misa idinaos makalipas ang isang buwan sa landslide sa Naga City, Cebu

Photo: Cebu Daily News

Isang buwan mula nang mangyari ang malagim na landslide ay nagdaos ng rosary procession ang mga kaanak at nakaligtas sa pagguho sa Naga City sa Cebu.

Dinaluhan ng mga Nagahanon ang prusisyon na kung tawagin ay Aurora na nagsimula madaling araw ng Sabado (Oct.20).

Nasa 78 katao ang nasawi sa landslide at aabot naman ng 7,000 ang nawalan ng tahanan sa Brgy. Tinaan noong September 20.

Ang mga evacuees inilipat ngayon sa Sitio Sindulan mula sa evacuation center sa Enan Chiong Activity Center.

Samantala, naghihintay ang lokal ng pamahalaan ng Naga City ng clearance mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Office para alamin kung maaari ng pabalikin sa kanilang tahanan ang nasa 1,600 families na inilikas at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 11 evacuation centers matapos ang landslide.

Dalawang sitio ng Barangay Tinaan ang naapektuhan ng pagguho.

Read more...