CHR, iimbestigahan ang umanoy pag-atake ng NPA sa mga pulis sa Camarines Norte

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Norte.

Dahil sa insidente, patay ang tatlong pulis at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Ayon sa CHR, ang naganap na ambush ay labag sa International Humanitarian Law.

Dagdag pa ng CHR, ang nasabing pag-atake ay isang manipetasyon ng paglala ng ‘culture of killing’ kung saan maging miyembro ng kapulisan ay napapahamak.

Muling nanawagan ang CHR sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang problema.

Anila dapat magkaroon ng long-term na mga solusyon para sa pagsupo nito.

Read more...