Lapeña kay Aquino: Itigil na ang sisihan

Iginiit ni Customs Commissioner Isidro Lapeña kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na itigil na ang paninisi sa ibang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng umanoy pagkakapuslit ng P6.8B na ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Lapeña ang sisihan ay hindi makaktulong sa kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.

Aniya, bilang si Aquiono ay pinuno ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay hindi dapat agad nagtuturo o naninisi sa mga miyembrong ahensiya dito.

Dagdag pa ng opisyal lalo na kung may halatang pagkukulang sa intelligence information o kulang sa koordinasyon ng mga ahensiyang nasa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ang ICAD kung saan ang PDEA ang tumatayong head agency ay binuo ng pangulo kung saan sa ilalim ng Executive Order 15, ay magsisilbing blueprint sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

Ito ay para sigurihin lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay nagagawa ng kanilang mga mandato sa pagsugpo sa problema sa ilegal na droga.

Read more...