Ilang lugar sa Maynila, maaapektuhan ng scheduled power interruption

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na maapektuhan ng scheduled power interruption ang ilang lugar sa
Maynila.

Magsisimula ang naturang power interruption simula sa pagitan ng 11:30 pm araw ng Martes, October 23 at 5:30 am
araw ng Miyerkules, October 24.

Partkular na apektado ang ilang parte ng Recto Avenue mula sa Loyola St. kabilang ang San Sebastian St. at ang San
Sebastian College – Recoletos de Manila.

Ang power interruption ay dahil sa “replacement of facilities” sa lugar.

Meron din na power interruption sa pagitan ng 11:30 pm, araw ng Miyerkules October 24 at 5:30 am, araw ng Huwebes,
October 25.

Ang pansamantalang power interruption ay dahil nman sa line reconducting works sa kahabaan ng J. Nepomuceno St.
sa Quiapo. Maynila.

Read more...