Power plant na nagkakahalagang P2B, itatayo sa Lanao Del Sur

Lumagda sa isang kasunduan ang dalawang pribadong power generation providers sa Sulatanate ng Marawi para sa
pagtatayo ng power plant na nasa dalawang bilyong piso ang halaga sa Lanao Del Sur.

Ang itatayong power plant ay may kakayahang makapag-generate ng 10 hanggang 30 megawatts na kuryente.

Ang dalawang pribadong power generation providers ay ang Frontier Power Technologies and Allied Services at ang
Nepodragon Power Enterprises.

Nangako ang dalawang kumpanya na magbibigay ng magandang serbisyo ng kuryente sa Marawi at ibang kalapit na
lugar.

Si Sultan Subair Mustapha naman ang kumatawan sa Sultanate na pumayag na magbigay ng seguridad at tatlong
ektaryang lupa sa Saguiaran, Lanao del Sur kung saan balak itayo ang nasabing power plant.

Ang memorandum of agreement ay nilagdaan sa Mindanao State University (MSU) Marawi Campus.

Read more...