Meralco, may pag-asa pa sa playoff ng 2018 PBA Governors’ Cup

May pag-asa pa ang koponan ng Meralco sa playoffs ng 2018 PBA Governors’ Cup matapos talunin ang Magnolia sa
score na 94-88 sa Ynares Center.

Ayon kay Meraclo Bolts Head Coach Norman Black, ang panalo nila ay nagbigay ng boost sa confidence sa buong team.

Pero aniya ay nanatiling alam nila na marami pa silang kakaharapin para makapasok sa playoff.

Dahil sa panalo ng bolts, ito na ang kanilang pangalawang sunod na panalo.

Umakyat na rin ang standing ng Meralco sa ika-siyam na puwesto na may kartadang 3-6.

Susunod na makakaharap ng Meralco ang Rain or Shine na nasa ika-sampung puweto na may record na 2-5 sa darating
na Linggo.

Read more...