Mga kumpanya ng langis may big-time oil price rollback mula bukas

May big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas.

Unang magpapatupad ng rollback Phoenix Petroleum simula alas 6:00 ng umaga bukas, Oct. 20, araw ng Sabado.

Bawas na P2.00 per liter sa gasolina at P0.90 per liter sa diesel ang ipatutupad ng Phoenix.

Ang Petro Gazz naman ay may pareho ding halaga ng rollback sa kanilang gasolina at diesel epektibo alas 6:00 ng umaga sa Linggo, Oct. 21.

Inaasahang magpapatupad din ng parehong halaga ng rollback ang iba pang mga kumpanya ng langis sa Lunes at sa Martes.

Read more...