Ito ang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos na una niyang sabihin ang ideya na dapat may sorporesang drug test sa mga pulitiko.
Sa mensahe sa INQUIRER.net sinabi ni Aquino na noong 2004 at 2007 elections ay nagkaroon ng mandatory drug testing sa mga kandidato para sa public office.
Pero noong 2008 sinabi ng Korte Suprema na ito ay unconstitutional.
Dahil dito, sinabi ni Aquino na wala na siyang planong ituloy ang ideya.
Sa naging desisyon noon ng SC, idineklarang unconstitutional ang Sec. 36 ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing probisyon ay nagtatakda ng mandatory drug tests sa lahat ng kandidato para sa government posts gayundin sa mga nahaharap sa kasong kriminal.