Mandatory drug dest sa mga kandidato hindi suportado ng Malakanyang

Hindi susuportahan ng Malakanyang ang panukalang mandatory drug test sa mga kandidato sa 2019 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat ay boluntaryo lamang ang pagsasailalim sa drug test.

Hindi aniya pwedeng pwersahin ang isang kandidato kung ayaw nito.

Ani Panelo, kung wala namang itinatago ang isang kandidato ay tiyak namang boluntaryo itong magpapasailalim sa drug test.

Kasabay nito sinabi ni Panelo na tiyak na walang makukuhang suporta mula sa pangulo ang kandidatong sangkot sa illegal drug trade.

Read more...