Resort sa Boracay nahaharap sa kaso dahil sa pamemeke ng dokumento para makapag-operate

Nahaharap sa kaso ang isang resort sa Boracay dahil sa pamemeke ng dokumento upang makapag-operate.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa ginawang dry run para sa pagbubukas ng Boracay, 68 lang mula sa 400 establisyimento ang nakapasa sa Boracay Inter-Agency Task Force.

Sa nasabing bilang, wala ni isa sa 6 na establisyimento na pag-aari ng Henann Group of Resorts ang napasama sa listahan.

Pero nadiskubre ng Task Force na nagsumite ang hotel na pag-aari ng Hennan ng enviroment compliance certificate na walang control number, walang embossed seal at walang DENR endorsement letter.

Ang Department of Tourism ang nakadiskubre nito at ipinabatid sa DENR.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, magsasampa sila ng kaso laban sa kumpanya.

Pinaalalahanan din ni Antiporda na hindi makakalusot ang mga ganitong ginagawa ng mga resort dahil dumadaan sa counter-checking ang mga dokumento.

Read more...