Sa unang pagkakataon nagdaos ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Media Literacy Seminar at Film Showing para sa mga Persons with Disabilities (PWD).
Ginawa ang aktibidad sa E.T. Ona Auditorium sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Diagnostic Center.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Kidney Transplant Association of the Philippines sa pangunguna ng kanilang presidente na si MS. Tess Prima.
Dumalo rin ang mga dialysis at transplant patients at kanilang pamilya, gayundin ang mga staff at opisyal ng NKTI.
Layon ng aktibidad na bigyang sapat na kaalaman ang mga participants sa dinaranas ng mga PWDs.
Pinangunahan ni MTRCB Chairperson Maria Rachel Arenas ang seminar.
Ipinaliwanag din ng mga MTRCB Board Members (BMs) ang tungkulin ng ahensya at ang proseso sa pag-review at pag-classify sa mga programa sa telebisyon at mga pelikula.
Samantala, dumali din ang mga kinatawan ng Human Organ Preservation Effort (HOPE) ng NKTI (HOPE-NKTI) at tinalakay ang ang kahalagahan ng organ donation.