Nakatatanggap na ng banta sa kaniyang buhay ang deputy collector ng Bureau of Customs (BOC) na naninidigang may lamang shabu ang mga nakitang magnitic lifter sa Cavite.
Ayon kay Customs Deputy Collector Maria Lourdes Mangaoang, may mga natatanggap siyang text messages na nagsasabing magiging miserable at sisirain ang kaniyang buhay.
Sinabi ni Mangaoang na nangangamba na siya para sa kaniyang buhay.
Umapela din ng tulong sa media ang opisyal dahil nagsasabi lang umano siya ng totoo.
Una nang sinabi ni Mangaoang na nakita sa X-ray images na may laman ang mga magnetic lifters.
Dagdag pa ni Mangaoang, hindi umano inaksyunan ng pamunuan ng BOC ang impormasyon na ang mga magnetic lifter ay naglalaman ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.