Pang. Duterte wala pang desisyon kung palalawigin pa ang martial law sa Mindanao

Wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Panelo na ang AFP ang higit na nakakaalam ng sitwasyon dahil sila ang nakabantay sa sitwasyon sa Mindanao.

Paglilinaw naman ni Panelo, bagaman ikukunsidera ng pangulo ang rekomendasyon ng militar, nasa presidente pa rin ang final say kung palalawigin o babawiin na ang deklarasyon.

Sa katapusan ng Disyembre2 018 magtatapos ang pag-iral ng martial law sa rehiyon.

Read more...