Panukalang batas para parusahan ang mga nuisance tinutulan ng Comelec

Hindi pabor si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa panukalang batas na naglalayong patawan ng parusa ang mga nuisance candidate.

Ayon kay Guanzon, maaring maging discriminatory ang nasabing panukala ni Senator Sherwin Gatchalian.

Dagdag pa ni Guanzon, demokrasya namang maituturing ang buong proseso ng eleksyon pati na ang paghahayag ng kagustuhang kumandidato.

Ayon kay sa opisyal, basta’t kwalilipikadong tumakbo sa ilalim ng Saligang Batas ay hindi sila pwedeng pigilin.

Read more...