Miss Venezuela tinanghal na 2015 Miss International, Miss Philippines pasok sa Top 10

11a
Bb. Pilipinas photo

Hindi pinalad ang pambato ng Pilipinas na si Janicel Lubina na masungkit ang korona sa katatapos na Miss International pageant na ginanap sa bansang Japan.

Pero pasok naman sa Top 10 at itinanghal din na Best in Evening Gown ang 20-year-old na Pinay.

Itinanghal na 2015 Miss International ang pambato ng Venezuela na si Edymar Martinez.

Nasungkit ng Miss Honduras ang 1st runner-up, Miss Kenya ang 2nd runner-up, napunta naman sa MissVietnam ang 3rd runner-up na sinundan naman ng Miss USA para sa 4th runner-up.

Naging emosyonal kanina si Janicel sa kanyang narating at natanggap na parangal dahil sa pagkakaroon umano ng katuparan ng kanyang mga pangarap.

Tubong Narra Palawan si Janicel at aminadong laki sa hirap at sa murang edad ay tumulong sa mga magulang kung saan nag-trabaho siya bilang isang kasambahay.

Nauna nang sinabi ni Janicel sa ilang mga interviews na kaya siya sumali sa kumpetisyon ay para maging halimbawa sa iba na hindi hadlang ang kahirapan para hindi maabot ang mga pangarap gaano man ito kalaki.

Read more...