3 sugatan sa sunog sa Tondo, Maynila

PRC Photo

Tatlo ang nasugatan sa sunog na naganap sa Happyland sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 12:00 ng tanghali, Biyernes, Oct. 19.

Umabot lang sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire under control alas 12:58 ng tanghali.

Ayon sa Manila Fire Department, nahanap na ang dalawang bata na unang napaulat na nawawala.

Iniimbestigahan naman ang pahayag ng mga residente na ang mga nagpa-pot session sa lugar ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Read more...