Mga naghain ng COC sumasailalim na sa pagrebisa ng Comelec

Comelec Photo

Hindi na kailangang maghintay ng Commission on Elections (COMELEC) ng maghahain ng petisyon para ipadeklarang nuisance ang isang kandidato.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na abala na ngayon ang Comelec law department sa pagsasala ng mga kandidato.

Sinabi ni Guanzon na nirerebisa na ng law department ang mga naghain ng kandidatura at pagkatapos, isusumite nila sa en banc ang mga ipadedeklara nilang nuisance.

Kasama rin sa mga pinag-aaralan ang mga naghain ng COC na mayroong mga kapangalan na tangyag o kilalang kandidato.

“We’re very busy now, ang law department ay nagre-review na ng motu proprio petition nila sa amin sa Commission en banc para i-declare naming nuisance ang mga nuisance. Meron din pong mga tumakbong may kapareho ang apilyido, yung mga tumakbo lang para mag-create ng confusion sa voters. Yung mga kilala nang pangalan, tapos may tumakbo ring parehas ang pangalan so nuisance din iyon, kasi to sow confusion,” ayon kay Guanzon.

Read more...