Driver ng jeep at tricycle kapwa arestado sa buy-bust sa Mandaluyong

EPD Photo

Dalawang driver ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police Station ala una ng madaling araw ng Biyernes, Oct. 19.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ricky Dramayo, 31 anyos at isang jeepney driver at si Grecil Elmaco, 39 anyos na isa namang driver ng tricycle.

Ayon kay Mandaluyong Police chief, Sr. Supt. Moises Villacera Jr., nakatanggap ng impormasyon ang kaniyang mga tauhan hinggil sa pagbebental ng ilegal na droga ni Dramayo kaya nagkasa sila ng buy-bust.

Nagpositibo naman ang buy-bust at nakabili ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer kay Dramayo. Habang nangyayari ang transaksyon naaktuhan din na bumibili si Elmaco ng shabu sa suspek.

Nakuha mula kay Dramayo ang tatlo sachet ng hinihinalang shabu habang isang sachet naman ang nakuha kay Elmaco.

Read more...