Sinabi ni Lopez na ang mga ‘Noche Buena’ items na nagtaas ng halaga at maaring magmahal pa ang presyo ay mga ‘high-end brands’ o may pangalan o kilala ang tatak.
Dagdag pa nito, hindi nito maapektuhan ang inflation rate dahil hindi naman sensitibo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga mayayaman.
Aniya ang mga low-end brands at ang mga karaniwang inihahain sa hapag-kainan sa pagsalubong sa araw ng Pasko ay hindi nila inaasahan na magtataas pa ng presyo.
Binanggit pa ng kalihim na may utos si Pangulong Duterte na pababain ang presyo ng mga bilihin na nakaka-apekto sa inflation rate, lalo na ang bigas at kasama na rin ang asukal.