Abolisyon at hindi suspensyon ang dapat gawin sa fuel excise tax – Sen. Bam Aquino

Nais ni Senator Bam Aquino na tuluyan nang mabasura ang fuel excise tax at hindi lang ito basta suspendihin.

Aniya ang naiisip niya ay ang mga mananakay at driver ng mga pampublikong sasakyan.

Banggit ng senador kapag nawala ang excise tax sa mga produktong petrolyo, aabot sa P87 ang madadagdag kada araw sa kita ng mga jeepney driver.

Aniya ang karagdagang kita ay sapat ng pagbili ng dalawang kilo ng bigas.

Itinutulak na noon pang nakaraang Mayo ang suspensyon ng fuel excise tax at ibalil ang halaga ng mga produktong petrolyo sa presyo noong nakaraang Disyembre 31.

Nakabinbin sa Senado ang Senate Bill 1798 o ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill na iniakda ni Aquino.

Read more...