Ito ang sinabi ni Police Supt. Ferdie Ortega, ng CIDG – Southern Police District.
Sandaling nakausap ni Ortega si Soriano ngunit aniya personal ang dahilan ng kanyang pagbisita sa hukom.
Sinabi nito na nabanggit lang ni Soriano na tinatapos pa niya ang resolusyon at bukod doon ay wala na silang napag-usapan pa ukol sa kaso ng senador.
Pagdidiin ni Ortega maging sila ay ilang araw na rin nag aabang dito sa Makati City Hall para sa resolusyon.
Idinagdag pa nito na handa naman silang isilbi ang warrant of arrest sa senador kung maglalabas ang hukuman ngunit ito ay depende sa ibabang utos mula sa NCRPO.
Ang Makati City Police ay una nang nagsabi ng kanilang kahandaan na isilbi ang arrest warrant kay Trillanes.