Isa sa mga nanalo sa Ultra Lotto nakuha na ang premyo

Kinuha na ng isa sa dalawang nagwagi sa Ultra Lotto 6/58 ang kaniyang premyo.

Ayon kay PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas, nagtungo sa main office nila noong Martes ang maswerteng nanalo.

Inilarawan niya ito na middle-aged man mula Samar.

Ani Casas galing sa mahirap na pamilya ang lotto bettor at humiram pa nga ng pera para makabiyahe ng Maynila.

Nasa P472 million ang halagang naiuwi ng bettor,bawas na ang 20 percent na tax.

Ang isa pang nanalo sa 6/58 Ultra Lotto ay hindi pa kinukuha ang kaniyang premyo.

Mayroong isang taon ang jackpot winner para kunin ang kaniyang napanalunan.

Read more...