Paaralan sa QC binulabog ng bomb threat

Contributed Photo

Binulabog ng bomb threat ang isang paaralan sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Quezon City police, isang note ang nakitang nakapaskil sa labas ng CR ng mga babae sa Quezon Science High School.

Sa nasabing note, nakasulat na may bomba sa paaralan.

Dahil sa banta, naatantala ng mahigit isang oras ang pagsisimula ng klase.

Kinailangan kasing palabasin ng silid aralan ang mga mag-aaral para maisagawa ng mga bomb squad ang inspeksyon.

Alas 8:30 ng umaga nang maibalik sa normal ang klase matapos matiyak na walang bomba sa eskwelahan.

Read more...