Ibebenta na ng Starbucks ang mahigit 80 nitong stores sa iba’t ibang bahagi ng Europe dahil sa pagkalugi.
Nasa 83 stores ng Starbucks sa France, the Netherlands, Belgium at Luxembourg ang nakatakda na nitong ibenta sa longtime partner company na Alsea.
Ang Alsea na nakabase sa Mexico City ay nag-ooperate na rin ngayon ng mahigit 900 Starbucks stores sa Mexico at South America.
Plano rin ng Starbucks na isara na ang kanilang mga tanggapan sa Amsterdam at isama na lang ito sa kanilang headquarters sa London.
Kung matutuloy, aabot sa 186 na empleyado ang maaapektuhan na hinihikayat namang mag-apply sa mga bubuksang trabaho sa London.
Mananatili naman ang roasting plant ng Starbucks na nasa the Netherlands na mayroong 80 empleyado.
MOST READ
LATEST STORIES